Saturday, December 10, 2005

sinong marunooong?!/savor ev'ry moment

..pwede ba 'kong sumama sa....

alam nio na yan...DV!...yan ang mala-impiyernong langit na makikita mo sa mundo..masaya d2..ang mumura ng mga bilihin..walang pinipiling okasyon ang pagiging mura nia..pero sa isang tulad ko na kada buwan ay dumadayo dito,sanay ka na sa presyo...hindi lang sanay..namamahalan ka pa. Kanina, kakadalaw ko lang dito sa lugar na to. HAAAYOOP! palibhasa pasko, ang mga pilipino, akala mo'y wala na namang bukas kung dumayo sa divisoria..ginamit na naman nila ang pagiging praktikal nila ngayong pasko. Nililinlang na naman nila ang kanilang mga inaanak...kunyari, original ung laruan nilang voltes 5..pero ang makikita mo, imbis na "V"...."X" tinde no?.. Para naman sa mga babaeng tulad......KO! ........(YES NAMAN!) Barbie doll ang napagdaanan!..Ang "Barbie" imbis na Barbie...matinde to BABES,,,”Ginny” (alam kong di to gets ng iba…hindi ko xa pinapaget..wala lang,..kinausap ko lang c babes..angal?..kung meron, text mo 'ko!) ano ba nakita ko sa dayvaysoraya kanina? (ayon nga kay bush!) nakakita lang naman ako ng sandamukal na chinito at mga taeng lumulutang na halatang galing sa imburnal..nakakita din ako ng kumpol ng mga lamok na di mo malaman kung nagtatalik na! (d ako nagpapaka-green. sinasabi ko lang ung nakita ko) hayup dito, may pirated version ng kanta ni Sam at Say!...napapakanta na ung tindera...habang palakad pa kami ng mas malayo't palapit na kami sa 168..(ang dakilang lugar ng tawaran at sabunutan ng tindera vs. mamimili) nakakita muna ako ng tinderang chekwa na pinagbibigatan ng salita ang isang pinoy na mamimili..hindi ko alam kung baket..pero sigurado akong may kinalaman ito sa tawaran!..nang umalis na kami sa DV..papunta sa aming kotse..para kaming napunta sa caterpillar pillar...lintek!...'sangkaterbang putik ang gumapang sa binti ko at sandamukal na usok ng sigarilyo ang nalanghap ko...isang galong tubig-ulan ang walang-sawang pumatak sa ulo ko...at isang piranggot na kulangot ang alam kong di sinasadyang napahid sakin ng babaeng naglalakad sa harap ko!..Lintek na yan! di man lang naawa si gaga!...panget na nga ako, pinahiran pako! ang nakakainis pa jan...umuulan na nga, nawala pa kami ni kuya shen!..kc naman..ang bilis maglakad!... x(

bago nga pala kami mag-divi...dumaan muna kami sa odyssey at tumingin ng mga bago/luma o bagong-luma na mga album ng mga bandang susubaybayan, sinusubaybayan at sinubaybayan namin...tatlo ang nalakap namin.. isang noontime show ng ichyworms, isang ultramagnetic jam (the music of eraserheads) at isang latest album ni maksim. Isa pa lang sa tatlong ito ang pinapakinggan ko...un ay ang ichyworms...na sadyang ginusto ko talgang bilhin kanina at sadya ng aking pagdalaw sa odyssey (walang tower records) astig kasi ung kantang "akin ka na lang" at "beer"...lalong lalo na talaga ung beer..hindi naman dahil kay beer!..=)) over na over na'ko tsong..=D baka mamaya kung anu2 na naman ang maisip nio!..lintek, oo na...naisip ko nang tanga ako sa kanya..nadala na'ko sa mga sinasabe niong "TANGA!!!" kaya ako tumigil, ok? nga pala...sabi sa beer.."ibuhos na ang beer sa aking lalamunan upang malunod na ang puso kong nahihirapan. Bawat patak, anong sarap. Ano ba talagang mas gusto ko? ang beer na 'to o ang pag-ibig MO?!" ....o ano?...ayos ba?.may naalala kaagad ako nang marinig ko ang linyang yan..di ko alam kung tama bang isipin ko ung naisip ko o "yak, bat ko ba naisip un?!"

wala na...ayoko na ulit umiyak...rest talaga muna ako sa lovelife...i'll enjoy this kind of life na lang muna...ung buhay na hang-out na lang muna w/ my friends, get so in to music for the band, aral to the max and enjoy every moment w/ my family...ung tipong wala talagang interuptions! =D NBSB's rock!\m/ kahit wala pa 'ko nakakarelasyon..alam kong mas masarap ang wala kang karelasyon dahil mamimiss mo ung mga "'to"...sana tama ako...kc ako, kaya ko lang nasabi un..kc masyado akong naghanap ng totoong meaning ng love..hanggang mali na pala ung nahahanap ko...at namiss ko na ung mga dating gawi,,sa pagbabalik ko, WOW!...ANG DAMI KO NGANG NAMISS...at sana magbago na'ko ngayon..kung akala ko dati, wala akong inspirasyon kaya lagi akong palpak...mali ako, dahil marami pala akong inspirasyon (ayos ba...ang drama ko na naman..) well, c bossing nga naman eh talagang alam mo naman, tinry nga ako! =)) salamat, bossing..natuto po ako! sana po 'di na talaga to maulit sakin sa susunod =D (sana lang pooooo!...3 na po kc eh!) tama pa rin po ung pinarinig nio sa'kin nung dec.8! ..the best yon!.buti nalang nagsimba ako! =))

*so here i am, it's in my hands.....AND I'LL SAVOR EVERY MOMENT OF THIS! =)*

musikang pinakikinggan: fade away-sugarfree
tamang oras na natapos: 8:53pm
inspirasyon sa nasulat: ichypig
gamit na panulat: word pad

Monday, December 05, 2005

go boss!,, help me, please.

Saturday, November 19, 2005

LED ZEP...

Which one of my favorite bands are you?

led zepplin

Personality Test Results

Friday, November 18, 2005

wala lang

....bakit ako nag-post?

WALA LANG...




ayus ba?! ;)

Monday, November 07, 2005

ang pag-ibig...parang proyekto...pag dinaya...sadyang WALA.

...nasubukan mo na nga bang umibig?..wala akong pakialam kung mabasa ito ng mga taong..mga taong...

cno ba ako...kung tumingin kayo sa kaliwa...makikita niyo naman ang pangalan ko..makikita niyo ang hilig ko...

ayaw mong ilabas ko ang problema ko..alam mo ba, ang ayoko talaga..ung masisira ang pagkakaibigan dahil sa isang LABLAYP!..nangyari na yan eh...ayoko ng isang malupet na pagbabalik.

wag hayaang lablayp ang maging tulay sa magulong relasyon!..ayoko ng gulo!..maxado nang magulo buhay ko!:(

...yoko na pAe,..wag ka nalang sumuko...WAG NA WAG MAGSINUNGALING...sabihin ang buong katotohanan.

WAG SIRAIN ANG PAGKAKAIBIGAN AH?...MALAYO NA NARATING NATEN...MAPUPUTOL BA ANG DAAN DAHIL LANG SA ISANG DAHON NA AKALA NATIN AY NATANGAY NG MALAKAS NA HANGIN..AYON PALA'Y DUMAAN LANG?...NAKAKATAWA UN..SOBRA...KUMAIN NALANG TAU NG ISAW AT TOKWA...PARA MASAYA..:)

Friday, November 04, 2005

matulog ka na!

alas-onse na pala ng gabi..hindi pa ko inaantok...ewan!..gusto ko bang maki-hapi hapi kina uma?..hindi eh!..ayoko!anu bang ginagawa ko ngaun?...katext ko c babes at angeline. c babes,,masaya dahil wala lang...masaya lang xa...c angeline...cnasabe niang excited xa sa interaction...

masaya ang lahat..

naiwanan na naman ako ng panahon

bukas...ganito ulet ang mangyayare...pangako..malungkot ako..pero masaya..

"mahirap ang mag-isa"
"i guess i'm giving up on love"
"baka hindi mo makayanan ang iyong mga pagmamasdan..oh d2 sa malungkot kong mundo ay puno ng galit at sakit..hindi mo maitatago ang mga luha mo sa malungkot kong mundo.."


tatlong kantang yan ang umikot-ikot sa utak ko sa buong araw..baket kaya?...sa kabila ng mga sinabi ko sa mga kaibigan kong.."MASAYA NA AKO!" may iba talaga...

ako...ako na nga ang iba..

dati-rati pag masaya c babes..masaya dn ako..dati-rati pagkagising ko sa umaga..may "kakaiba" akong naiisip...nakakunot-nuo kaagad. ngayon?.

ngayon?

ngayon?

naka-ngiti na ako.

ba't ganon?..

TULONG!..ANG WIRDO KO NA!=))

*currently playing: hiling by paramita
time: exactly mn

last words: iyong hiling?...ANO BA?

Tuesday, October 25, 2005

NKKBSNko!

tss!

{uy!..haha!...bago niyo nga pala matripang basahin ang entry na toh..tignan niyo muna kung gaano kahaba ang nagawa kong entry..dahil sa tingin ko..magagawa kong mahaba ito ngayon}

sinulat ko ang entry na ito bago ko ito tinype..sinulat ko sa isang notebook...ang name ng notebook ay.."switch to haes-steril." wala na akong pakelam kung ano iyon...isa kasi ung notebook ng doktor...doktor kc ang aking ama..:D...at ito ang nag-iisang notebook dito sa bahay sa candelaria...

.........................................................................................................................................................................

haha!..tama ang nabasa mo!..."candelaria..." nasa candelaria nnman ako at ang aking pamilya...boring dito...sinasabi ko!..as in sobra!..bakit kamo? wala ang mga ss:
-PC
-internet
-sun cell
-cable
-drums
-keyboard
at ang konayb!..

hindi naman sa pinagpapalit ko ang probinsya ko sa mga ito..kundi dahil..dito na kc umiikot ang araw ko..kung baga sa adik sa drugs...eto na ang droga ko..kumbaga talaga,,ang daily routine ko ay dito na talaga umiikot...d lalagpas ang isang araw ng d ko nahahawakan o nadadalaw ang mga sumusunod na ito.dito ko natatago, nalalabas, nakikita at nalalaman ang halos lahat..

pitong bagay ang nasa probinsya na siyang tunay na dahilan ng pag-uwi ko at nagbibigay kasiyahan saken..ito ay:
-pamilya(dad, insans, titos and titas, lolas and lolos, pamangkins)
-bahay sa tabi ng dagat
-stereo(ang tanging bagay na wala sa bahay sa manila)
-karaoke(ahw yeahl!)
-tree house
-sunset by the sea
at higit sa lahat...ang dagat...ang dagat sa tapat ng bahay namin na siyang paborito kong lugar sa buong mundo (sunod sa Paris!...pag napuntahan ko na ang Paris,,,,masaya na ako..)

umaga palang, pagkagising na pagkagising ay tumae kaagad ako't naghilamos at nagmumog...nag-isip kung ano ang gagawin ko sa kabila ng katahimikan at kaboringan sa aming ever beloved province..ang probinsya ko nga pala ay candelaria, zambales...land of the sweetest chismosa at strongest chismosos!...every week nalang may bagong chismis...at nadali na kmi...ang candelaria dn pala...sa kabila ng kabnormalan ng mga tao d2...ay bahay dn ng magagaling na mga pinuno...nd ka magsisisi...=D ok so..the plan was:
1)take the best shot of the sunset by the sea..
2)take a picture of yourself in mum and dad's room..(vanity)
3)write your name in 3 kinds of lettering(vanity again)
4)take a picture of jaja, dada and kitots.....with you
5)sing at least one song (burn-out) in the karaoke.
6)reminisce at the tree house alone
7)have a soundtrip of the ff bands:
-paramita
-greyhounds
-sugarfree(sa wakas)
-urbandub
-chicosci
8)and of course, use the iRiver and stare at small waves of the sea and reminisce...=D

walangya...english talaga ang plan ko!..hahah!!maiiinis ka!

sa kasamaang palad, 5 ot of 8 lang ang nagawa ko (numbers 1,2,3,7 at 8) dahil sa isang di inaasahang insidente..nawala ang cellphone ko at xempre, kailangang hanapin ko un..sa kabutihan ng diyos...nakita ko naman!=D..matapos non, mga balik-bayang pinsan, tito't tita ang kinakailangan ko namang i-entertain..kahit na ayaw ko..kailangang gustuhin ko..este...gusto ko talaga..ayaw ko lang magdugo ang ilong ko!...(ayoko lang mag-english!!pang speech class lang toh!) nang umalis na sila,kinalkalkal ko na ang bag ni kuya karl at nakakita ako ng mga libro[kahit na sembreak niya] isa sa mga libro ay pinamagatang "Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pilipino?"..binasa ko ito sa likod ni blackie...c blackie ay hindi tao, hindi aso...kalabaw...pero hindi siya hayop. Siya ay isang uri ng kalabaw na ni minsan ay hindi man lang gumalaw...pag nakita mo siya...feeling mo, nasa marikina river banks ka!...habang binabasa ko ito sa likod niya, muntik na akong malaglag sa katatawa...at inis nang mabasa ko ang ika-75 na salita sa pahina 10.kayo na ang bahalang tumingin!...tumigil akong sandali sa pahinang iyon at tumalon mula sa likod ni blackie at pinicturan ang sunset..gs2 niong makita??...proud nako d2...kaso sadyang d pa xa maganda..:((

pinagdamutan ako ng sunset!...dati nman maganda toh ahh!










mukhang sunset!









at ang alon..

makikita mo sa kanan ang kapatid kong nagpapaka-emo...sa tugtuging "chixsilog" waw!emo na emo noh?...=O umalis nako sa dagat at naghanp ng bolpen at notebook....at eto na nga sinulat ko na ang binasa mo...at sinusulat ang binabasa mo..at magulat2 nalang akong may mga batang ambay (batang dagat in tagalog)...na sinabeng.."hat hiban!hay hiban!" (ang laki ang laki!) at gusto ko silang tanungin ng isang MATAMIS NA "nin anya?" (ng ano?) kung ano man yon...siguradong isda o tao yon!...naaalala ko tuloy nung umaga..may mga bisita ang tatay ko...(malaking bisita) at


*nakilala ako ng isa doon* at eto ang nangyari

visitor:"ah. yarin yay na a bonso mo?" (siya na ba ang bunso mo?)
dad:"ya" (oo)
visitor:"hay hiban nay na! h'ya duman yataw ampag-ballet na arapan mi?" (ang laki na niya...xa ba ung nagbaballet sa harapan namin?)
dad:"(uli) ya!" ([tawa] oo!)

........X_______X gusto kong sabihin sa bisita..."astig! sa dinami2 ng memories ko with you...ung ballet ko pa ang naalala mo!" ...buti nalang...di niya nahalata na naririnig ko siya dahil sa iriver na nakasuksok sa tenga ko na naka-maximum volume!..tapos,, aun na..ngaun...ang boriiiinnnggg!!nagsusulat lang ako...naghihintay ng turn ko sa laptop..maglalaro ng zuma..[at ambagal ng kapatid ko]

DITO NAGTATAPOS ANG ENTRY KO...WALNG KWENT NANAMAN...SALAMAT NALANG SA NAGTIYAGANG MAGBASA...

date: oct22,o5.
time:6:34pm
[22...2 more days b4 24...its been a month since my friend's bday...malupet dn ang araw na un!]


OL::
.....currently listening to: tala-paramita =p....
time:6:22pm